Saturday, July 16, 2011

Blog!?..Bakit nga ba?!

Heto ako at kabubukas lang ng account sa Blog...matagal na nakatitig sa monitor at natatanong sa sarili "now what?" Bakit nga ba ako nagbukas ng blog account gayung di naman ako isang manunulat? Anong isusulat ko dito? Malamang sa hindi mauuwi nanaman ito tulad ng ibang accounts na nabuksan ko...blangko! 

Hay...marahil na inspire lang ako sa mga panulat ni Dennis Villegas kaya naisipang gumawa ng isang blog account. Naaliw ako sa mga articles ni Dennis para kasing naroon ka rin sa lugar na isinusulat nya...at ang mga pictures....buhay na buhay, parang kanta ng ng Bread, they paint a thousand words. Pero, hindi nga ako si Dennis at hindi ako isang manunulat...so, ano nga ba ang gagawin ko dito?

Hmm...di man ako manunulat mayroon din naman akong mga kuwento, mga kuwentong kailangan isulat bago pa man malimot ng pumapalya kong memorya dahil sa edad; baka kasi dumating ang araw ay di ko na maalala ang mga ito...lalo na ang mga kuwentong galing pa sa namayapa kong lolo, lola, tatay at asawa; sayang naman.


Maari ko ring isulat ang aking opinyon, kuro-kuro at saloobin sa panahong walang ibang taong gustong makinig sa akin...siguradong tatangapin ito ni Blog ng walang alinlangan hahaha! Salamat sa malayang pagpapahayag at kahit sinong Pedro at Petra ay may pagkakataong sumulat ng sinasaloob nya, sana lamang ay di makasakit ng kalooban ng iba.


Di ko na iniisip kung may iba pang babasa nito bukod sa akin, ang tanging layunin ko ay makapagiwan ng mga babasahin para sa aking anak at mga pamangkin; na sa balang araw maintindihan nila at maranasan ang mga kuwento na nung unang (aking) panahon ay nagpaikot sa akin.


Me and my son Josh

For the sake of my son who unfortunately could not understand this article well for it is in Filipino, an english version can be read below.

Blog?! Why so?!

Here I am I just created a Blog account...staring lengthily at the monitor screen asking my self "Now what?" What on earth was I thinking opening an account knowing for a fact that I am not a good writer? What shall I write? Most likely than not this account will end up just like any of my other accounts....blank!

Sigh..Most probably I was inspired by Dennis Villegas' articles that led me to start a blog of my own. I was amused by his articles, they made me feel that I was right there in the middle of his stories as he was writing them...and his photos, they are so vivid and alive...they "paint a thousand words" (lyrics from the song If by the singing group Bread). But then again, I am not Dennis and I am not a writer....so, what shall I do in here?

Hmm... I may not be a writer but I do have some stories to tell, stories that needs to be written before my aging memory fails to remember them. I am scared that a time will come that I will not remember any of them...stories from my father, my grandparents and my late husband; what a waste if forgotten.

I can write my opinion, viewpoint and sentiments at times that no one wants to listen...I am quite sure that Blog will accept them with no doubt or apprehension at all! hahahaha! I am thankful for the freedom of expression; any Tom, Dick and Harry may write and express his thoughts and sentiments. I am just hoping that this freedom will not end up hurting other people's feelings.

Well, I do not expect others to read my blogs, my main intention is to be able to leave something for my son and nephews to read and that in the future they too will understand, learn and experience through my stories the things and events that I have encountered once in my life.

*honestly, I like the Filipino version better